My New Life With HIV

Hello. I’m 29. At the peak of my career.. I am Positive.

Nagiisip ako.. nagmumuni-muni.. after kong isugod ang sarili ko sa isang high end na hospital sa Maynila nung nakaraang mga araw dahil sa Diarrhea at ubo.. kinausap ako ng doctor ng masinsinan.. tinanong ako kung active daw ba ang sex life ko at kung nakailang partners na ako.. nagulat ako sa tanong.. nagsinungaling ako..pero wala pa rin ako choice kundi pakinggan si Doc. Sinuggest nya na magpa HIV testing daw ako, sinabihan naman nya ako na everything will be confidential. Binigyan nya ako ng referral letter sa San Lazaro.

Ang totoo hindi na ako nagtaka kung bakit tinanong ako ng doctor kung active ang sex life ko… at my age hindi normal ang pagbagsak ng immune system ko at pagiging prone ko sa Pneumonia at Asthma attacks. Kaya sa nagdaang sabado at linggo nag-iisip na ako kung ano ang mga susunod na hakbang ko kung mag negatibo ako.. magpapasalamat ako at aayusin ko na lifestyle ko…. Kung magpopositibo naman ako magkakarun na ng direksyon ang buhay ko..

At yun nga nagpa HIV testing ako ngaun September 10, 2012 sa Manila Social Hygiene Clinic sa tapat ng San Lazaro Hospital, nakausap ko si Leonard ata, sya din ung na counsel sa akin about sa situation ko, sa mga susunod na hakbang at mangyayari after ng test. Mabilis lang wala pang 20 minutes lumabas na ung result ko. 

Habang nag aantay kami ng result sinabi ko kay Leonard bakit hindi ako kinakabahan tulad nung mga nababasa ko sa blogs, sabi ko at this point in my life gusto ko ng magkaron ng direksyon. How ironic ginamit ko pa ung pagiging positive ko sa HIV para magkaroon ng direksyon buhay ko.  Lumbas ung result pinapasok nya ako sa room, hinayaan nya ako magbasa ng result. REACTIVE, 98% positive ako, hindi ko alam terminologies, ang sabi nya for accuracy foforward nila sa San Lazaro ung results for further testing malalaman ko daw result 2 weeks from now.

Sabi ni Leonard kung may masasabihan daw ako kahit isa sa family ko or malapit sa akin sa sitwasyon ko makakabuti daw yun.. sabi ko I don’t think maganda idea yan.. deep inside ayaw ko ng magalala family ko sa sitwasyon ko. ang iniisip ko welfare nila.. ng mama ko..

Ok positive ako, What’s next for me then? What’s my next move?

I want to start with my medication the soonest possible time.
I want to meet PLHIV…kahit online lang..masaya na ako..
Babaguhin ko na lifestyle ko….

Cguro hindi pa nag sysync in sa akin na positive ako kaya hindi pa ako umiiyak, or nagpapanic. I don’t think makakatulong sa akin yun..pero as I am writing this blog nakatingin ako sa HIV testing result ko in red REACTIVE.  Ang goal ko ngaun ay maextend pa ang buhay ko, gusto ko magsave ng pera for my family, gusto ko bago man lang ako mawala sa mundo natulungan ko family ko at natupad ko na ung mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko like makapagtravel sa buong Pilipinas atbp. 

Life must go on.. It will not stop here..I will be strong for myself and for my family.

I am now facing the consequences of my actions. No Regrets, I am HIV positive.

– Amir Bun
91012poz@gmail.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s