Takipsilim

Natapos din ang apat araw na pag aantay ko, Sabado na! Makikita ko na ulit siya at sabay naming papanuorin ang paglubog ng araw sa tabing dagat. Ipinagdasal ko ang araw na eto na sanay wag umulan at  kung uulan man naway ibuhos na bago ang sabado para hindi mabulilyaso ang date namin.

Yun ang unang pagkakataon na lalabas ako ng bahay at mamasyal ako sa medyo malayo layong lugar–Kung hindi pa malayo sayo ang Manila Bay sa akin medyo malayo na siya, sa biyahe pa lang at usok na malalanghap ko sa LRT at sa kalye cgurado sira lalo ang mahina kong katawan. Pero pinaghandaan ko ang araw na eto, nag ehersisyo ako nung Lunes, at nung sumunod na araw wala ako ginawa kundi magpalakas at kumain ng kumain.

Una siyang dumating sa aming tagpuan, hindi niya agad ako nakita pero nakita ko siya agad, nagpasalamat ako nagantay siya, huminge ako pasensya dahil nagantay siya ng trenta minutos.  Sa mga nagdaang relasyon ko kadalasan nagaantay sila ng isa hanggang tatlong oras, kadalasan yun pinagaawayan namin pero ewan ko ba hindi ko magagawa sa kanya yun, takot ko lang.  

Tumayo muna kami at nakaharap sa simbahan at nagusap, Kinamusta ko sya, sumusulyap sa mukha, sa mata, namumula mga mata nya, halatang walang tulog, napansin ko hindi siya nakasalamin, naka contact lens daw sya, ganda ng mga mata niya. 🙂 Tatlong oras lang daw tulog niya, huminge ulit ako ng pasensya dahil naabala ko siya.

Isa lang masasabe ko, ang ganda panuorin ang takipsilim kapag kasama mo taong mahalaga sayo…ang taong iniibig mo.

Sa loob ng mahigit tatlong oras na paguusap namin lalo ko siyang nakilala, napagusapan namin ang mga bagay bagay sa kanya, sa akin, at sa paligid namin.

Masaya ako makita na napatawa ko siya konti sa mga corny kong jokes..hayaan mo tatandaan ko yung mga jokes na nagpapatawa sayo…pagaaralan ko. 😛

Sana hindi eto ang huli nating panunuod ng takipsilim, basta ako cgurado ako kung sinu ang gusto kong makasama sa hinaharap, sana dumating yung oras na marealize mo kung gaano ako ka seryoso sayo. Salamat nakasama kita kahapon, salamat nakilala kta.  Marami pa tayo pagsasamahan.

Mahal na mahal kita

Sent from my Windows Phone

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s